Lumago na sa lungsod Quezon ang urban farms sa ilalim ng Joy of Urban Farming Program ng lokal na pamahalaan.
Mula sa 754 na urban farms noong Hunyo 2023, tumaas na ito sa 1,026 pagsapit ng Disyembre ng nakalipas ding taon.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, isang magandang development aniya ito lalo na sa pagtugon sa food security sa mga komunidad.
Sa pamamagitan ng programa, nabigyan ng kabuhayan ang humigit-kumulang 25,000 urban farmers na nagtatrabaho sa green jobs.
Para mapanatili ang momentum ngayong taong 2024, sinabi ng alkalde na kasama sa food security initiative ng lungsod ang pagsusulong ng beekeeping, mushroom production, aquaculture, hydroponics at smart farming. | ulat ni Rey Ferrer