Kumikilos na ang Department of Agriculture (DA) para matugunan ang infestation ng armyworm gayundin upang matulungan ang mga apektadong onion farmers sa ilang bayan sa Nueva Ecija at Tarlac.
Batay sa datos ng DA, aabot na sa 366 ektarya mula sa kabuuang 10,217 ektarya ng farmlands na may tanim na sibuyas ang infested na ng armyworms.
Sa mga infested areas, ang mga pananim lamang sa 6.9 ektarya ang ganap na nasira habang 359.1 ektarya ang may bahagyang pinsala.
Ang mga apektadong lugar ay nasa mga bayan ng Bongabon at Talevera, at Palayan City sa Nueva Ecija, at ang mga bayan ng Anao at San Manuel sa Tarlac.
Walang infestation ang naiulat sa Bataan, Pampanga at Zambales.
Humigit-kumulang 87% ng mga lugar ang natamnan ng pulang sibuyas habang 13% naman ay puting sibuyas. | ulat ni Rey Ferrer