Handa ang Department of Agriculture (DA) na magbigay ng tulong para mapalakas ang lokal na produksyon ng isdang pompano.
Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, isusulong nito ang pompano production bilang pagpapalawak ng mariculture parks at gawing makabago ang aquaculture industry.
Kaya umano ang pagpaparami ng short-finned variety, sa pamamagitan ng pag-set up ng specialized facilities at equipment.
Nauna nang binisita ng kalihim ang private fish farm sa Silaguin Bay sa San Antonio, Zambales na nagpapalakas ng produksyon ng pompano.
Makikita sa Fish Farm ang 44 floating cages na ang bawat isa ay maaaring makapag-harvest ng tatlo hanggang apat na tonelada ng pompano.
Kailangan lamang ng siyam na buwan para magpalaki ng pampano na maaaring ibenta sa local market at sa ibang bansa.
Batay sa datos noong 2022, umabot lamang sa 457 metric tons ang local production ng pompano mas mababa sa 3% ng kabuuang import na 16,004 tons sa parehong taon. | ulat ni Rey Ferrer