Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng makasaysayan at unang CongressTV.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakaton ang mga Pilipino na hindi lang mapanood ang mga kaganapan sa Kamara ngunit makibahagi rin sa paglalatag ng mga batas na magsusulong sa pro-poor agenda ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.,
“CongressTV is our commitment to ensuring that no Filipino is left in the dark, that every citizen is afforded a front-row seat to the legislative process. Through this platform, we are tearing down the walls that have long kept the inner workings of the legislature away from public scrutiny. As we embark on this journey, I call upon each one of you to engage with CongressTV actively.” Sabi ni Speaker Romualdez.
Kasama ni Romualdez sa launching si PTV General Manager Ana Puod na siyang bumuo sa konsepto ng CongressTV.
Aniya ang proyektong ito ay paraan upang mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at publiko at maipalam sa lahat ng trabaho ng lehislatura sa pamamagitan ng state media.
“We are thrilled to announce Congress TV as one of our first major projects this year, on the occasion of PTV’s 50th anniversary as a broadcast institution in the country. By airing the sessions of Congress, we aim to present democracy in action, and show participative governance in the shaping of a new Philippines under our President’s vision of Bagong Pilipinas.” Sabi ni Puod.
Eere ang Congress TV araw-araw mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi mula January 23, 2024 sa PTV Digital Channel 14 Manila, Ch 46 ng GMA Affordabox, Ch 2 ng ABS-CBN TVPlus gayundin via online sa Facebook, YouTube, Instagram, at X.
Hinimok naman ni Speaker Romualdez ang publiko na makibahagi sa paglalatag ng mga batas sa pamamagitan ng interactive platform ng CongressTV at maglatag ng mga mabibigat na katanungan humiling ng accountability at maging aktibo sa democratic process.
“This initiative is not just a channel; it’s a bridge. A bridge that connects the hallowed halls of the House of Representatives to every home, every school, and every Filipino. It’s a bridge built on the pillars of transparency, accountability, and inclusivity…For in every debate that is broadcast, in every law that is discussed, your voice, your concerns, and your aspirations are reflected,” saad pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes