Kinumpirma ng Bureau of Animal industry (BAI) ang mga bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa tatlong bayan ng Occidental Mindoro.
Kaugnay nito, hinimok na ang local government units sa lalawigan na magpatupad na ng kaukulang hakbang sa mga apektadong lugar.
Na-detect din ng BAI ang pag-ulit ng positibong kaso sa Naujan sa Oriental Mindoro, kaya’t isinasailalim na ito sa mahigpit na monitoring.
Noong Enero 12, ng kumpirmahin ng BAI ang kaso ng ASF sa Occidental Mindoro, ilang araw matapos ma-detect sa dalawang barangay sa Sta. Cruz at San Jose. Enero 17 naman ng madiskubre ang ASF sa bayan ng Rizal.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, ang mga kaso ng ASF sa isla ay unang natukoy sa Oriental Mindoro noong nakaraang taon.
Ang lalawigan ng Mindoro ang nagsusuplay ng mga baboy sa Metro Manila at sa ilang bahagi ng Region 6. | ulat ni Rey Ferrer