Positibo ang Department of Tourism Region VI na maabot ang target na 4.5-M tourist arrival ngayong 2023.
Halos dumoble ito mula sa 2.3 million na target tourist arrival ng rehiyon noong 2022.
Ayon kay DOT Regional Director Crisanta Marlene Rodriguez, unti-unti nang bumabalik ang dating sigla ng turismo sa Western Visayas mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa ngayon, pinagtutuunan ng pansin ng DOT-6 ang pagpapaganda pa ng eco, dive, at beach tourism ng Rehiyon 6, kung saan ito kilala.
Dagdag pa ng regional director, patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng DOT-6 sa CAAP, airline companies, at local government units (LGUs) upang madagdagan pa ang biyahe ng eroplano sa Western Visayas at mapalakas ang domestic tourism ng rehiyon. | ulat ni Hope Torrechante | RP1 Iloilo