House Bill 2490 o “an Act rationalizing the disability pension of veterans”, suportado ng DND

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa pagsulong ng House Bill 2490 o “An Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans”.

Ang pahayag ay ginawa ng kalihim kasunod ng Wreath Laying Ceremony ngayong umaga sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Veteran’s Week mula Abril 5 hanggang Abril 12.

Layon ng panukala na itaas ang disability pension rates sa P4,500 hanggang P10,000 para sa mga nagtamo ng kapansanan sa pagganap ng serbisyo militar.

Ayon sa kalihim, isang paraan ito para maiangat ang buhay ng mga disabled na beterano.

Isa rin aniya sa mga prayoridad ng DND ang pagsulong ng panukalang batas na lilikha sa Philippine Veterans Authority sa pamamagitan ng pag-iisa ng iba’t ibang ahensyang may kinalaman sa mga beterano tulad ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), the Philippine Veterans Assistance Commission, at board of trustees of the veterans of World War II (WWII). | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us