Tiniyak ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa publiko na may sapat na suplay at stable ang presyo ng isda sa panahon ng kwaresma.
Ayon kay DA-BFAR Spokesperson Nazario Briguera,nanatiling sagana sa retail at wholesale markets sa Metro Manila ang mga marine commodities tulad ng galunggong, bangus at tilapia.
Kaya wala raw dapat ipag-alala ang publiko na mangingilin at hindi kakain ng karne ngayong Semana Santa.
Pinawi din ni Briguera ang pangamba ng publiko sa kakulangan ng suplay kasunod ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Kampante ang BFAR na patuloy na matutugunan ng ibang fishing grounds ang pangangailangan ng publiko.
Sa ngayon, ang presyo ng isdang galunggong ay nasa ₱140 -240 ang kilo habang ang imported-frozen naman ay nasa ₱130 ang kilo.
Ang bangus ay mula sa ₱130-160 per kilo habang ang tilapia ay ₱120-150 kada kilo. | ulat ni Rey Ferrer