AFP Chief, National Security Adviser, nagbigay pugay sa mga beterano

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino at National Security Adviser Sec. Eduardo Año ang pagbibigay pugay sa mga beterano sa “Review in Honor of the Veterans” sa Fort Bonifacio ngayong umaga.

Sa naturang aktibidad binigyang pagkilala ang war veterans na nagsilbi ng matapat at may dignidad sa bansa.

13 nabubuhay na awardee at isang posthumous recipient, ang pinagkalooban ng plaque of recognition para sa kanilang natatanging serbisyo.

Sa kanyang mensahe, nanawagan si Gen. Centino sa mga mamayan na mag-“reflect” sa mga pinapahalagahan at prinsipyong ipinagtanggol ng mga beterano bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Veterans week mula Abril 5 hanggang Abril 12. | ulat ni Leo Sarne

?:PFC Carmelotes/PAO, AFP)

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us