Pormal nang inaprubahan ng House Committee on Transportation ang isang resolusyon para hingin kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na irekunsidera ang January 31, 2024 deadline ng consolidation salig sa Public Utility Vehicle o PUV modernization program.
Matatandaan na una na itong iminosyon ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez noong nakaraang pagdinig ngunit hindi naaprubahan dahil sa kawalan ng quorum.
December 31, 2023 ang orihinal na deadline para sa franchise consolidation ngunit pinalawig pa ng Transportation department hanggang January 31, 2024.
Umaasa ang mga mambabatas na kakatigan ito ni PBBM upang mabigyang pagkakataon ang Department of Transportation o DOTr na masolusyunan ang mga isyu sa implementasyon ng PUV modernization program. | ulat ni Kathleen Forbes