Pabor ang grupong Pirma sa pagpasok ng mga awtoridad para mag-imbestiga sa mga nakalap na lagda ng grupo hinggil sa People’s Initiative.
Sa Kapihan sa Manila Bay, ipinaliwanag ni Atty. Evaristo Gana ng Pirma na lumalabas kasi ngayon na sila ang dumedepensa hinggil sa mga alegasyon ng katiwalaan sa pagkalap ng lagda ng publiko.
Aniya, sa oras na pumasok na ang sinumang government investigating body na mag-imbestiga sa kung paano nakalap ang mga lagda para sa People’s Initiative ay bukas ang grupong Pirma dito dahil hindi na sila ang kinakailangang magpatunay na walang katiwalian sa paglagda sa People’s Initiative.
Matatandaang samu’t saring alegasyon ang inaani ngayon ng mga nakalap na lagda hinggil sa People’s Initiative kung saan ang ilan ay bayad umano ang mga pumirma habang ang iba ay napilitan o may kapalit. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Inquirer screenshot