Pangulong Marcos Jr., iginiit na dapat maipaalam mabuti sa publiko ang bisyon ng Bagong Pilipinas na itinataguyod ng administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatawag ng meeting si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng pagnanais nitong matiyak na maipaalam mabuti sa mamamayan ang bisyon ng Bagong Pilipinas na itinataguyod ng administrasyon.

Ayon sa Pangulo, mahalaga na mabigyang-diin ang importansya ng komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at publiko upang ganap na maunawaan ang konsepto ng Bagong Pilipinas.

Kaugnay nito ay nagprisinta naman si Presidential Communications Office (PCO) Senior Undersecretary Cesar Chavez ng ilang mga rekomendasyon sa mga miyembro ng Gabinete kung paano maging tagapagtaguyod ng ‘Bagong Pilipinas’ sa kani-kanilang mga departamento.

Layon nitong gawing tuloy-tuloy ang mga programa na susukatin ang progreso buwan-buwan at kikilalanin ang outstanding performance.

Ginawa ang Special Cabinet Meeting bago ang nakatakdang pormal na paglulunsad ng ‘Bagong Pilipinas’ sa Quirino Grandstand sa Maynila, sa Enero 28 o ngayong darating na Linggo. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us