Maganda at epektibong transport system, nakikitang solusyon ni Pangulong Marcos sa grabeng traffic

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa harap ng malalang lagay ng traffic lalo na sa Metro Manila, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maganda at epektibong transport system ang nakikita niyang remedyo para dito.

Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na batid niya ang problema tungkol sa usad pagong na lagay ng trapiko at ayaw na aniya niyang makadagdag dito.

Nakakahiya nga sabi ng Pangulo, na kailangang huminto ang lahat kapag daraan ang kanyang convoy kaya’t sinisikap niyang maiwasan ang ganitong mga senaryo.

Saklaw sa magandang sistema ng transportasyon, ayon sa Punong Ehekutibo ay ang pagdaragdag ng mga ferry stations sa Pasig River na sasailalim sa rehabilitation.

Mayroong 13 istasyon ang buong ferry network na nagsisimula sa Escolta sa Binondo, Manila Hanggang sa istasyon ng Pinagbuhatan sa Pasig. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us