Sen. Gatchalian, nangangambang mauwi sa political crisis ang isyu ngayon sa pagitan ng Senado at Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Senador Sherwin Gatchalian na maaaring mauwi sa political crisis ang hindi pagkakasundo ng Senado at Kamara kaugnay ng proseso ng pagsusulong ng Charter Change.

Ito ay kaugnay ng pagtutol ng mga Senador sa sinusulong ng People’s Initiative kung saan nakasaad na aamyendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng constituent assembly pero magkasamang boboto ang Senado at Kamara.

Ayon kay Gatchalian, kapag nagpatuloy ang bangayan ng Senado at Kamara tungkol sa isyu ng PI ay walang maaprubahang batas at maraming serbisyo ang masasakripisyo.

Mainam aniyang mag-usap na ngayon ang dalawang kapulungan ng Kongreso at itigil na ang People’s Initiative na layong lunurin ang boses ng Senado.

Giniit rin ng senador na mas makabubuting makiaalam na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga nangyayari ngayon sa Kongreso para maiwasang humantong pa ito sa political crisis.

Pinaliwanag ni Gatchalian na hindi makabubuti ang pagkakaroon ng political crisis sa bansa, lalo na sa mga potential investors at sa ating ekonomiya.

Samantala, sa bahagi ni Gatchalian ay sinabi nitong personal niyang pangungunahan ang pagva-validate ng mga pirmang nakalap sa kanilang lugar.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us