Ilang barangay sa QC, mawawalan ng tubig simula ngayong gabi ayon sa Manila Water

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makakaranas ng water service interruption ang ilang sineserbisyuhan ng Manila Water sa Lungsod Quezon, simula ngayong gabi.

Sa abiso ng Manila Water, may isasagawa silang line maintenance sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa maaapektuhang lugar ang ilang bahagi ng Brgy. Socorro at Brgy. Proj. 6 mula mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw bukas, Enero 25.

Ilang bahagi ng Brgy. Sta. Cruz, Brgy. Laging Handa, Brgy. Pinyahan, at Brgy. Central mula alas-10 ng gabi ng Enero 25 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Enero 26.

Mawawalan din ng tubig ang ilang bahagi ng Brgy. Matandang Balara, Brgy. Sto. Cristo at Brgy. Proj. 6
mula alas-10 ng gabi ng Enero 29 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Enero 30.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga apektadong residente na paghandaan ang pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us