Pinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malaki ang maitutulong ng pagtatalaga ng archipelagic sea lanes para mapalakas ang ating claim sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pagdinig sa Senado ngayong araw, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na magiging basehan rin ito sakaling magkaroon ng anumang paglabag laban sa soberanya ng Pilipinas.
Dagdag aniya itong legal basis para ipaglaban ang ating karapatan sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sinabi rin ng opisyal an sakaling maisabatas ang archipelagic sea lanes ay malaki ang tiyansa na suportahan tayo ng international community sa ating claims.
Kaya naman umaasa si Manalo na maipapasa na agad ang batas na ito para makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng ating bansa.
Maituturing rin aniya itong patotoo sa commitment ng Pilipinas na tuparin ang ating obligasyon sa UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) at iba pang international maritime rules.
Minungkahi rin ng DFA na limitahan lang ang dami ng ASL sa tatlong geographic coordinates at bigyan ang Pangulo ng bansa ng kapangyarihan na mag-authorize ng ALS sakaling may pangangailangan para dito.| ulat ni Nimfa Asuncion