PAGASA, pinaalalahanan ang publiko sa matinding init ng panahon ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binabalaan ng PAGASA Weather Bureau ang publiko na bawasan ang kanilang physical outdoor activities sa panahon ng Semana Santa.

Batay sa ulat ,asahan na ang napakataas na heat index na maaaring magresulta sa heat cramps o heat exhaustion at heat stroke sa sinumang indibidwal.

Ayon kay PAGASA Weather Division Chief Juanito Galang, ang ridge of high pressure at ang pagbuo ng low pressure area ang nangingibabaw ngayon na weather system na makakaapekto sa buong kapuluan.

Aniya, ang buong bansa ay makakaranas ng mainit at mahalumigmig na kondisyon ng panahon na kaugnay ng maaraw hanggang sa bahagyang maulap na papawirin bukod pa sa pulu-pulong mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog lalo na sa Visayas at Mindanao.

Payo pa ni Galang sa publiko na regular na uminom ng tubig, iwasang magsuot ng madilim na kulay na damit at kung maaari manatili sa loob ng bahay lalo na sa pagitan ng 12:00 hanggang 3:00 ng hapon.

Para sa Sabado hanggang Lunes, ang Visayas at Mindanao ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa papalapit na low pressure system.

Ang Luzon ay magkakaroon ng maaraw hanggang sa bahagyang maulap na papawirin bukod sa isolated passing light rains sa hapon.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan at hilagang-silangan ang iiral at ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us