BRP Antonio Luna, dineploy sa Philippine Rise

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinadala ng Philippine Navy ang BRP Antonio Luna (FF-151) para magpatrolya sa Philippine Rise, sa karagatan ng lalawigan ng Aurora.

Ayon kay Commander Jim Aris Alagao, Acting Commander ng BRP Antonio Luna, ang pagpapadala ng isa sa pinakamalakas na barkong pandigma ng Philippine Navy ay bahagi ng mandato ng pamahalaan na itaguyod ang national maritime interest sa eastern seaboard ng bansa.

Ang Philippine Rise ay isang 13-milyong ektaryang volcanic ridge sa ilalim ng Pacific Ocean sa silangang bahagi ng Luzon, na pinaniniwalaang nagtataglay ng malaking suplay ng mineral at langis.

Ang lugar na dating kilala bilang “Benham Rise” ay kinikilala ng United Nations bilang bahagi ng “extended continental shelf” ng Pilipinas.

Dahil dito ang Pilipinas ang may “exclusive” na karapatan sa likas na yaman na matatagpuan sa lugar. | ulat ni Leo Sarne

?: FF-151 PAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us