Isinagawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) Committee ng Republic Act No. 11966 o ang Public-Private Partnership Code ang isang session online bilang bahagi ng konsultasyon nito sa publiko.
Sa pamamagitan ng Zoom, tampok sa sesyon ang mga talakayan kasama sina Assistant Secretary Jeffrey Manalo at Director Phebean Belle Ramos-Lacuna hinggil sa pangunahing reporma na ipinakilala sa ilalim ng PPP Code.
Sabayan ding sumahimpapawid ang nasabing konsultasyon sa Facebook at YouTube channels ng PPP Center.
Umakit naman ng samu’t saring audience mula sa iba’t ibang sektor na ayon kay Director Feroisa Francisca T. Concordia ng Center’s Capacity Building and Knowledge Management Service ay patunay ng kagustuhan ng lahat ng relevant stakeholders na maging bahagi ng tagumpay ng PPP Program sa bansa.
Maaalala noong December 5, 2023, nilagdaaang bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang PPP Code ng Pilipinas. Kung saan layunin nito na mapalakas at mai-institutionalize ang mga PPP sa bansa.
Naging epektibo ang nasabing Code noong December 23, 2023 at dapat ayon sa batas ay makapagpalabas ng IRR sa loob ng 90 araw o bago ang Marso 23 ng taong ito. | ulat ni EJ Lazaro