Sabay na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang payout ng cash assistance, sa mga pamilyang tinamaan ng kalamidad sa Samar sa Visayas at Mindanao.
Partikular na binigyan ng ayuda ang mga pamilyang naapektuhan ng shearline at lindol noong huling quarter ng 2023.
Ayon sa DSWD, ang bigay na tulong pinansyal ay ginawa sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program.
Ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng cash aid upang matiyak na lahat ng mga apektadong pamilya ay matulungan.
Ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez, sa Eastern Visayas, naglaan ng P374.3-million na cash assistance ang DSWD para sa 123,133 pamilya mula sa Northern Samar na nasalanta ng mga pagbaha dulot ng shear line noong November 2023.
May 6,210 pamilya naman mula sa Glan, Malapatan, at Alabel sa Sarangani province na naapektuhan ng 6.8 magnitude earthquake ang pinagkalooban din ng tulong na abot sa P91.5-million.
May 5,692 pamilya din sa Surigao Del Sur na naapektuhan ng magnitute 7.4 eartkquake noong Disyembre 2, 2023 ang nahatiran ng tulong ng mahigit sa P71.2 million. | ulat ni Rey Ferrer