Hinimok ng EcoWaste Coalition, ang mga dadalo sa Bagong Pilipinas kick-off rally na panatilihing malinis sa basura ang Rizal Park sa Maynila.
Ayon kay Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste Coalition, ang isasagawang malaking rally ay kasabay ng pagdiriwang ng Zero Waste Month ngayong Enero.
Ayon sa grupo, ang pagpapanatili ng walang kalat na basura sa rally ay magiging tugma sa Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (Kalinisan) program ng Department of the Interior and Local Government.
Isa sa mga layunin nito ay “itaas ang kamalayan at hikayatin ang partisipasyon ng publiko sa responsibilidad sa kapaligiran sa wastong pamamahala sa pagtatapon ng basura.
Umapela din ang grupo sa mga organizer na huwag magpaputok, maghagis ng confetti o magpakawala ng mga lobo sa pagtatapos ng rally para mabawasan pa ang basura at polusyon. | ulat ni Rey Ferrer