Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang Pasay ang mga interesadong residente nito sa alok na libreng Nihonggo Language Training na gaganapin sa Enero 30.
Ayon sa Public Information Office ng Pasay City, sa mga nais lumahok sa libreng training maaring dalhin lamang at isumite ang mga sumusunod na mga requirements sa Office of the City Mayor sa Pasay City Hall.
Kabilang dito ang:
✔️ Resume
✔️ Barangay Certificate
✔️ Valid Pasay City ID
✔️ Letter of Intent addressed to Mayotr Emi Calixto-Rubiano and Congressman Tony Calixto
Gaganapin naman ang orientation para sa training sa Enero 30, 2024, alas-6 ng gabi sa Eduardo “Duay” Calixto Training Center (Libertad malapit sa LRT, Police Station at Bgy. Hall) at hanapin lamang si G. Vic Sangil
Ayon sa Pasay PIO, maaari ring dalhin ang mga nabanggit na requirements sa orientation pero siguraduhin lamang na kumpleto ang mga ito.| ulat ni EJ Lazaro