Matagumpay ang outreach activity na idinaos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Region 1 para sa mga anak ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Agoo District Jail, Agoo, La Union.
Ito’y bilang pagsuporta sa Bagong Pilipinas Campaign ng administrasyon.
Sa ilalim ng liderato ni BJMP Region 1 Regional Director JSSupt. Florante D. Nisperos at sa pamamagitan ng Community Relations Service Section na pinamumunuan ni JInsp. Josephine Fe Daen, OIC, CRSS ay naisagawa ang outreach program.
Alinsunod din ang aktibidad sa pagdiriwang ng National Children’s Week upang maipakita ang suporta sa mga anak ng mga nakabilanggong indibidwal.|ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo