Buong pwersang sumuporta ang Department of Trade and Industry sa ‘Bagong Pilipinas’ Kick-off rally ng administrasyong Marcos kahapon, Enero 28, 2024 na ginanap sa Quirino Grandstand.
Daan-daang empleyado nito ang lumahok at nakiisa sa aktibidad kung saan nagtayo rin ito ng isang booth at nag-alok ng murang pagkain at inumin para sa mga dumalo.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, kaiisa ang DTI sa pgpapalaganap ng kaunlaran sa bansa at asahan ang mga programa ng administrasyon sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas’ campaign.
Sa huli, muling siniguro ng DTI na aagapay ang kanilang tanggapan sa pagsusulong ng mga programa na magpapaangat sa pamumuhay ng mamamayang Pilipino. | ulat ni AJ Ignacio