Ilan sa mga layunin ng state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vietnam ay ang pagpapalakas ng ugnayan sa trade and investment, agriculture at maritime security sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, nakatakdang makipagpulong si Pangulong Marcos kay Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chin at Vietnamese National Assembly Chairperson Vuong Dinh Hue hinggil sa pagpapalakas ng bilateral cooperation ng dalawang bansa.
Isa rin sa nakatakdang pag-usapan ay ang pagkakaroon ng maritime deal upang mas mapaigting pa ng dalawang bansa ang kakayahan ng kani-kanilang coast guard, gayundin ang pagpapalakas ng agrikultura.
Inaasahang mamayang hapon ay darating ang Pangulo sa nasabing bansa at makikipagpulong sa state leaders ng Vietnam. | ulat ni AJ Ignacio