Sa abiso ng Taguig LGU, magkakaroon ng limang oras na power interruption sa ilang lugar sa lungsod ng Taguig bukas, Enero 30, ganap ng 11:30 ng gabi at tatagal hanggang 4:30 ng madaling araw ng Enero 31.
Ito’y upang bigyang daan ang pagsasaayos ng mga linya ng kuryente sa kahabaan ng Ballecer at Magsaysay Roads.
Magkakaroon din ng power interruption sa ilang bahagi ng Barangay Ibayo Tipas at Barangay Napindan sa Enero 30 sa ganap na 1:00 ng madaling araw hanggang 6:00 ng umaga.
Ito’y para naman sa pagsasaayos ng mga pasilidad sa lugar ng Labao St., Barangay Napindan.
Pinapaalalahanan ang mga residente sa mga nabanggit na apektadong lugar na maging handa sa nakatakdang power interruption. | ulat ni AJ Ignacio