Walang tigil ang malakas na ulan simula kaninang 11:00 ng umaga sa Barangay Poblacion na nasa bayan ng Boston at nakaranas na ito ng ankle-deep na baha. Dagdag pa niya, isang landslide ang iniulat na nangyari sa Barangay Sibajay, Boston.
Tumaas din ang water level sa sitio Papag, Barangay San Antonio sa bayan ng Caraga .
Sa Baganga town naman, ang tubig sa Dapnan Bridge ay umapaw dahil sa makakas na ulan.
Ngayong araw, January 29, 2024, ang municipal government ng Caraga ay nagdeklara ng suspensyon ng mga klase sa lahat ng level ng public at private schools, at sa mga trabaho sa opisina ng Department of Education (DepEd) at ng Local Government Unit (LGU).
Ang mga residente ng Barangay Mahan-ub na nasa bayan ng Baganga ay tinulungan ng mga emergency responder na makabalik sa kani-kanilang tahanan dahil ang mga daan ay lubog pa rin sa baha.
Ipina-preposition na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Operation Center ang mga resources at personnel, inihanda ang mga ito para sa immediate deployment at masuportahan ang mga emergency responders sa mga binahang lugar.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao