Nilagdaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at United Nations Population Fund (UNFPA) Philippines ang isang Memorandum of Understanding (MOU) na magbibigay lakas sa kabataan at adult women na nabibilang sa vulnerable populations.
Nakapaloob sa MOU ang pagbuo ng framework for cooperation kabilang na ang (1) pangangalap ng data; (2) pagpapalakas sa tungkulin ng DSWD sa panahon ng emergency; (3) suporta sa implementasyon ng programa na may kinalaman sa gender-based violence (GBV).
Kasama din dito ang (4) pagpapaganda ng service-delivery system at referral pathways para sa mga GBV survivors; at (5) pagtukoy sa discriminatory gender practices ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Naghayag ng buong suporta si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa programa para sa ikatitibay ng partnership ng ahensya at ng UNFPA Philippines.
Sinabi naman ni Dr. Leila Saiji Joudane, UNFPA Philippines Country Representative, nakahanda silang makipagtulungan sa pamahaalaan para sa ikatitibay at ikaaayos ng proyekto upang matugunan ang pangangailangan ng Gender Base Violence. | ulat ni Rey Ferrer