Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa suporta ng Vietnam sa rice requirements ng Pilipinas, kasabay ng pagbibigay diin ng kahalagahan ng food security sa isang bansa, at ang pagpapatuloy ng global supply chains.
Ito ayon sa Pangulo ay sa gitna na rin ng pagbagon ng mundo mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa mensahe ng Pangulo sa harap ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh,
nagpahayag ito ng kagalakan sa nalagdaang Memorandum of Agreement (MOA) para sa Rice Trade Cooperation at Cooperation in Agriculture and Related Fields.
“We likewise welcome the signing of agreements between state-owned and private companies on rice trade.” -Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, umaasa si Pangulong Marcos na gagamitin ng Pilipinas at Vietnam ang buong potensyal ng ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), lalo’t ang Vietnam ang nagsisilbing ikalimang pinaka-malaking trade partner ng bansa sa ASEAN.
Sabi pa ng Pangulo, umaasa na siya sa pagkakaroon ng mas mahigpit na ugnayan kasama ang Vietnam, upang mapadali pa ang mga proseso at pagpasok ng pamumuhunan sa bansa, at pagbawas sa trade barriers, na siya namang magsusulong ng patas na kompetisyon, at kapwa pag-unlad ng dalawang bansa.
“The Philippines is very encouraged in establishing a close partnership with Viet Nam to streamline trade and investment procedures, reduce trade barriers, and cultivate a transparent and predictable business environment that promotes fair competition and mutual growth and development.” -Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan