Umabot sa 632 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong araw.
Kung saan ang naturang bilang na ito ang unang batch ng PDLs na napalaya ngayong unang buwan ng Enero 2024.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., na asahang mas maraming PDLs ang mapapalaya ngayong taon.
Dagdag pa ni Catapang, na kapag napabilis pa ang paglaya ay posibleng umabot pa sa 10,000 PDLs ang mapapalaya ng Bureau of Corrections.
Muli namang paalala ni Catapang sa mga PDL na nakalaya na sa New Bilibid Prisons, na maging mabuting ehemplong mamamayan na sa kanilang muling pag-uumpisa ng kanilang buhay. | ulat ni AJ Ignacio