Pagbabawal sa ‘No Permit, No Exam’, malapit nang pagtibayin ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nalalapit nang lumusot sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na magbabawal sa ‘No Permit, No Exam’ policy sa mga pribadong elementary at high school.

Ito’y matapos aprubahan sa viva voce voting ang House Bill 7584 bago mag-adjourn ang sesyon para sa Lenten break.

Nakasaad sa panukala na ang magulang o guardian ng mag-aaral ay magbibigay lamang ng promissory note kung saan nakasaad kung kailan ito magbabayad upang makakuha ng pagsusulit.

Ang pagbabayad ay hindi naman dapat tumawid sa susunod na school year maliban na lamang kung pahihintulutan ng paaralan.

Mayroon namang karapatan ang paaralan na hindi ilabas o ibigay ang clearance at transfer credential ng estudyante hangga’t hindi nababayaran ang utang nito o kaya’y hindi ito i-enroll sa susunod na school year.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us