Nakipagpulong na si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa mga highland vegetable industry stakeholder sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center.
Layon ng pulong na hanapan ng mga paraan upang higit pang paunlarin ang farm sector at pataasin ang kita sa Cordillera Region.
Kasama sa pulong ang mga key official, mga lider ng magsasaka, traders, truckers, market facilitators, agricultural extension workers, municipal at provincial agriculturists, at iba pang stakeholders mula sa Benguet, Ifugao, at Mountain Province.
Binigyang-diin ng kalihim ang kanyang pangako sa pagharap sa mga hamon na kinakaharap ng vegetable industry.
Kasama na rito ang pagtatatag ng mga pasilidad sa buong bansa na kahalintupad ng matatagpuan sa Food Terminal Inc., pagtatatag ng market outlets para sa GAP-certified products, at pagpapalawak ng KADIWA stores sa Metro Manila, at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer