Nakipagpulong sa mga key official ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) si UN Special Rapporteur Irene Khan.
Ayon kay NCIP Chairperson Jennifer Pia Sibug-Las, sumentro ang napag-usapan sa pulong kay Khan sa mga isyu ng karapatan sa kalayaan at karapatan sa pagpapahayag, at opinyon ng mga katutubo.
Sinabi pa ni Sibug-las, na natanong din ni Khan ang tungkol sa isyu ng human rights at sinabi ng NCIP na isa umano ito sa kanilang mga challenge o hamon.
Nagpahayag ang UN Rapporteur, na dapat ay mas maging bukas ang NCIP sa pagkilala sa mga pagpapahayag ng mga katutubo at iba pang stakeholders patungkol sa kanilang kalagayan at karapatang pantao.
Sabi ni Khan, mahalaga ang isang open at inclusive na diyalogo sa Indigenous Cultural Communities at Indigenous People (IP) para sa mas makabuluhang Free and Prior, informed consent.
Inirekomenda pa nito ang isang international cooperation at paggamit ng mass media platforms sa pagpoproteka ng IP rights. | ulat ni Rey Ferrer