Pinulong ni Finance Secretary Ralph Recto ang Securities and Exchange Commission (SEC) management team para sa mga inisyatiba upang palakasin ang Philippine capital market.
Hinimok ni Recto ang komisyon na makipagtulungan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa mas episyenteng data sharing, upang i-reconcile ang records ng mga registered corporation at palawakin ang tax collection efficiency.
Tiniyak din ng kalihim sa SEC ang suportada ng Kagawaran ng Pananalapi sa kanilang pagsisikap na digitalization, upang palakasin ang Philippine stock market at ang consumer protection, palawakin ang pangangasiwa at regulasyon ng financial system, i-promote ang trade and investment, at isulong ang financial literacy at sustainability.
Pinuri rin ni Recto ang digitalization initiatives ng SEC, na mahalagang hakbangin para sa “ease of doing business” at capital market development ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes