Nagbigay ng babala ang Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na titiketan nito ang mga driver ng bus carousel na magka-cutting trip.
Ito ay sa isinagawang operasyon ng SAICT-Intelligence Monitoring and Evaluation Team sa Balintawak area sa Quezon City, ngayong araw.
Tinatayang 21 mga driver ng bus carousel ang binalaan ng mga tauhan ng SAICT.
Habang nasa 12 ang naisyuhan ng temporary operator’s ticket.
Kabilang sa mga paglabag ng motorista ay ang disregarding traffic sign, obstruction, hindi tamang pagsuot ng protective gear ng rider, pagsakay at pagbaba sa labas ng terminal, at isa ang na-impound ang sasakyan.
Tiniyak naman ng Department of Transportation katuwang ang Philippine Coast Guard, na patuloy na palalakasin ang operasyon ng SAICT sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng mga pasahero sa lahat ng pampublikong sasakyan. | ulat ni Diane Lear