Madaling araw pa lamang ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa ngayong huling araw ng long weekend.
Base sa flight board sa NAIA Terminal 3 dumating ang eroplano mula sa Cebu, Iloilo, Cagayan De Oro kaninang alas-7 ng umaga.
Alas-8 ng umaga, walong domestic flight ang dumating mula sa mga lalawigan ng Tacloban, Bacolod, Caticlan, Daraga, Butuan, Puerto Princesa, Roxas, Cebu, at marami pang flight ang paalis at pabalik sa NAIA para sa Domestic at International Flights.
Matatandaan, una nang iniulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) na sa unang tatlong buwan ng taong 2023 ay tumaas ng 158% ang bilang ng mga pasahero matapos maitala ang 10,855,332 na bilang ng mga pasahero. | ulat ni Don King Zarate