Welcome sa Department of Finance (DOF) ang 5.6% full- year gross domestic product growth rate.
Ayon sa DOF, naungusan nito ang mga major economies sa Asya gaya ng China na nasa 5.2%, Vietnam na 5.0% at Malaysia na sa 3.8%.
Ang GDP outturn ng 2023 ay hindi lamang positibo dahil na-outperform ng bansa ang ibang kalapit bansa bagkus dahil nalagpasan nito ang 2023 growth forecast ng mga multilateral organization at private analyst gaya ng International Monetary Fund (IMF), ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) at ng World Banks (WB)
Ayon kay Finance Secretray Ralph Recto, ang strong economic performance ng Pilipinas ay patunay ng pagsisikap ng gobierno na mapahusay ang “purchasing power” ng bawat Pilipino.
Aniya, nananatiling committed ang pamahalaan sa pangunguna ng DOF na maramdaman ng mga Pilipino ang economic progress sa kanilang araw araw na buhay. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes