Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nakatakda nang bumuo ang Senado ng isang Subcommittee on Constitutional Amendments para talakayin ang Resolution of Both Houses No. 6 o ang pinapanukalang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.
Ayon kay Zubiri, papangunahan ni Senador Sonny Angara ang naturang subcommittee.
Pero hihingin pa rin aniya nila ang permiso ni Senate Committe on Constitutional Amendments Chairman Senador Robin Padilla kaugnay ng hakbang na ito.
Sinabi rin ni Zubiri na target ng mataas na kapulungan na sa susunod na linggo ay masimulan na ng subcommittee na ito ang pagtalakay sa Economic ChaCha.| ulat ni Nimfa Asuncion