Tinatayang nasa 2.8% hanggang 3.6% ang inflation ngayong buwan ng Enero 2024.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nakaapekto sa “upward pressure” ng inflation ang mataas na presyo ng agricultural items gaya ng bigas, karne, prutas at isda.
Kasama din sa maaaring makapagpataas ng inflation ang pagmahal ng presyo ng pertrolyo, kuryente, sin taxes at depreciation ng piso.
Samantala ang mababang presyo ng gulay at asukal ay maaari naman anilang magpapababa ng ilang porsyento ng inflation ngayong buwan.
Patuloy naman binabantayan ng BSP ang mga development na nakakaapekto sa outlook for inflation and growth alinsunod sa kanilang “date dependent approach” to monetary polict decision-making. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes