Malaki ang potensyal ng Bulacan na maging susunod na growth area ng pilipinas kung maisasabatas ang panukalang pagtatatag ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport.
Sa pagtalakay ng Senate Committee on Economic Affairs tungkol sa naturang panukala, sinabi ni Zubiri na maaaring sumunod ang Bulacan ecozone sa naging tagumpay ng ecozones sa Clark, Pampanga at ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Bagamat una nang na-veto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bersyon ng Bulacan Eozone Bill na naipasa noong 18th Congress, giniit ni Zubiri na mahalaga pa ring isulong ito para sa makapagdulot ng infrastructure development, makaakit ng mga mamumuhunan at makagawa ng mga trabaho para sa mga pilipino.
Una nang sinabi ng mga senador na natugunan na ng tinatalakay nilang panukala ang mga concern ni pangulong marcos sa 2022 version ng panukala.
Target ng panukalang Bulacan ecozone na i-complement ang pagpapatayo ng New Manila International Airport sa bulacan na inaasahang makapagseserbisyo sa 100 million na mga byahero taun-taon.
Ayon kay Zubiri, kabilang sa mga target na mahikayat ng Special Bulacan Ecozone na isinusulong ang semiconductor manufacturers, battery power storage system manufacturers, electric vehicle makers at iba pang mga bago at umuusbong ng mga tech industries.| ulat ni Nimfa Asuncion