137 lokal na terorista, na-nutralisa ng AFP sa unang tatlong buwan ng taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umabot sa 134 na miyembro ng NPA at iba pang lokal na terorista ang kanilang na-nutralisa mula Enero 1 hanggang Marso 31 ng taong ito.

Sa bilang na ito, 82 ang regular na miyembro ng NPA, kung saan 17 ang nasawi sa combat operations, 20 ang nahuli, at 45 ang sumuko.

Narekober din ng mga tropa mula sa NPA ang 210 armas sa mga enkwentro, 109 sa pagsuko, gayundin ang 87 anti-personnel mines.

Samantala, 28 Abu Sayyaf members naman ang sumuko at dalawa ang nahuli; at 35 armas ang narekober ng militar sa mga operasyon at pagsuko.

18 miyembro naman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko at 3 ang nasawi sa engkwentro; at narekober sa kanila ang 64 na armas at siyam na anti-personnel mines.

Habang tatlong miyembro ng Dawla Islamiya ang nasawi sa mga operasyon at isa ang sumuko; at narekober sa kanila ang isang baril at tatlong anti-personnel mines. | ulat ni Leo Sarne

?: AFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us