Umakyat na sa higit 9,700 pamilya o 37,684 indibidwal ang naitalang apektado ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng trough ng LPA, batay yan sa datos ng DSWD.
Mayorya pa rin ng mga apektado ay mula sa Region 11 at CARAGA.
Kaugnay nito, nasa 1,133 pamilya pa rin o katumbas ng higit 3,700 na indibidwal ang inilikas na at nananatili ngayon sa evacuation centers.
Habang may 1,500 pamilya rin ang nakikitira muna sa kanilang mga kaanak.
Una nang siniguro ng DSWD na sapat ang pondo nito para umayuda sa mga apektado ng pag-ulan.
Katunayan, nasa kabuuang ₱3.9-billion ang hawak na relief resources ng ahensya sa kanilang stockpile ng food at non-food items pati na standby funds. | ulat ni Merry Ann Bastasa