Pormal nang nilagdaan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. at Philippine Economic Zone Authority Director General Tereso Panga ang Memorandum of Understanding para sa pagtatatag ng Ecozones sa bahagi ng mga lupain ng BuCor.
Maituturing na ang BuCor ay maaaring maging mahalagang kasosyo sa pag-akit ng mga Foreign Direct Investments (FDI) at sa paglikha ng mga oportunidad sa ekonomiya sa loob ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) legal framework.
Nagkasundo ang dalawang ahensiya na magtulungan sa pamamagitan ng pagbuo ng kanilang alyansa sa pamamagitan ng MOU.
Tutukuyin nito ang ilang bahagi ng mga ari-arian ng BuCor na maaaring i-develop bilang economic zone partikula na nakatutok sa Palawan bilang isang agrikultural at economic zone na maaaring mag-ambag sa food security ng bansa. | ulat ni AJ Ignacio