Nagbigay ng mga gabay ang Department of Health (DOH) para mapangalagaan ang puso ngayong buwan ng Pebrero.
Sabi ng DOH, dapat ay Puso ang Piliin ngayong Heart Month at hindi ang anumang uri ng sakit mula sa mga kinakain ng tao.
Para magkaroon ng malusog na puso, naglabas ng mga healthy habit ang DOH.
Pag-iwas sa mga matataba at maaalat; pagkain ng prutas at gulay; sapat na ehersisyo; at pag-iwas sa paninigarilyo at alak.
Hindi lamang daw tuwing buwan ng Pebrero dapat alalahanin ang mga Puso kung hindi araw-araw upang mapanatiling malusog at iwas sa sakit. | ulat ni Michael Rogas