Napuna ni Senador Raffy Tulfo ang pagkakaroon ng confidential fund ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na aabot sa P500 million noong 2023.
Tanong ni Tulfo, bakit kailangan pa ng PAGCOR ng confidential fund kung imo-monitor lang nito ang mga illegal gambling o anumang balak na guluhin ang mga casino gayong trabaho na aniya ito ng Philippine National Police (PNP).
Nilinaw naman ng PAGCOR, na hindi pa nila nagagastos ang P500 million confidential fund na ibinigay sa kanila at katunayan ay nasa 30 percent pa lang nito ang kanilang nagagasta.
Sinabi rin ng PAGCOR, na ang pagkakasangkot sa mga kriminal na mga aktibidad ng ilang internet gaming licensees ang dahilan kaya kinakailangan nila ng pondo para sa intelligence gathering.
Ang ahensya aniya ang nakapagpasara ng mga ito at nakapagpa-deport na rin sila ng mga dayuhang sangkot sa mga kriminal na aktibidad.
Sa kabila ng paliwanag na ito, nanindigan pa rin si Tulfo na redundant pa rin ito sa trabaho ng PNP at NBI.
Nilinaw naman ng PAGCOR na ngayong 2024 ay wala na silang confidential fund. | ulat ni Nimfa Asuncion