Patong-patong na kasong kriminal ang isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) dahil sa kabiguan nito na magbayad ng tamang buwis.
Mismong taga BIR ang naghain ng criminal complaint laban sa popular cosmetic brand na Ever Bilena.
Sabi ng BIR, nagkaroon umano ng tax deficiency ang kumpanya na umaabot ng P10 million, bukod pa sa ginawa nitong mga fake transaction.
Makailang beses din daw pinadalhan ng BIR ng notice ang kumpanya, pero hindi ito tumugon sa kanilang mga liham.
Paalala ng BIR sa mga negosyante, magbayad ng tamang buwis upang maiwasan ang anumang kasong kriminal na kanilang haharapin. | ulat ni Michael Rogas