Mahigit 100 distressed OFWs, napauwi ng DFA nitong Holy Week

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na napauwi ng Department of Foreign Affairs ang mahigit 100 Overseas Filipino Workers mula sa Kuwait nitong Holy Week break.

Sa nabanggit na bilang, tatlo ang may medical condition at isa sa kanila ang paralisado matapos mahulog sa bintana ng kaniyang amo.

Nakabalik na rin sa bansa sa tulong ng DFA ang anim na biktima ng human trafficking.

Ang mga biktima ay hinikayat na maging chat support agents sa Thailand at kalaunan ay pinilit magtrabaho bilang love scammers na pinupuntirya ang mga Asyano.

Sa pag-uwi ng mga distressed OFW, sinalubong sila at binigyan ng tulong ng DFA, DSWD, OWWA at ng NAIA Task Force Against Trafficking (NAIATFAT). | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us