National government, nakikipag-ugnayan na sa LGUs na maaapektuhan ng binabantayang LPA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang pamahalaan sa inaasahang epekto ng Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ngayon ng PAGASA, na posibleng maging unang bagyo ngayong 2023.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Office of Civil Defense Asec Raffy Alejandro na nakatakda na ang unang weather meeting kasama ang lahat ng lokal na pamahalaan na inaasahang maaapektuhan ng LPA.

Aniya, kahit pa LPA pa lamang ito, mananatili ang monitoring status ng pamahalaan.

Bubuhayin aniya ng OCD ang preparedness activities nito, maging ang pag-responde, sakaling kailanganin ng pagkakataon.

“We are on the monitoring status, umpisa Surigao hanggang Bicol, and Central Luzon. Tinitignan natin ang effect nito, ina-anticipate natin, kahit LPA pa ito, magha-handa tayo para dito, at i-activate natin ang ating preparedness activies, papunta sa response, in the event na mag-escalate ito.” Asec Alejandro.

Umaapela rin ang opisyal sa mga maaapektuhang residente na makipagtulungan sa kanilang local officials, upang maiwasan ang anumang aksidente. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us