Umabot na sa 15,284 family food packs ang naipadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Agusan del Sur para sa mga residenteng naapektuhan ng epekto ng shear line.
Tiniyak ng DSWD na may mga paparating pang tulong sa lalawigan upang matulungan ang mga lokal na pamahalaan para sa kanilang mga nasasakupan.
Sa kabuuang bilang ng food packs na naihatid sa lalawigan, 9,744 nito ang naipagkaloob na ng Field Office-Caraga sa bayan ng Bunawan, 620 ay sa San Luis, 1,610 sa Sta. Josefa, at 3,310 food packs at naihatid sa Veruela.
Nauna rito, humiling ng tulong ang provincial Local Government ng Agusan del Sur sa DSWD para masuportahan ang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng mga pagbaha dulot ng epekto ng shear line. | ulat ni Rey Ferrer