Inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang inirebisa nitong implementing rules and regulations (IRR) para sa Republic Act 11360 o kilala rin bilang Service Charge Law.
Nakasaad sa bagong IRR, sang-ayon sa Department Order 242 na inilabas noong Pebrero 1, ang layunin nitong buo at pantay-pantay na pamamahagi ng service charges sa mga mangagawa sa hotel, restaurant, at mga kahalintulad na establisyimento.
Ayon din sa updated guidelines, sakop na rin ng batas ang lahat ng empleyado ng isang establisyimento, kanilang ang mga kontraktuwal, hindi regular, o mga manggagawa mula sa mga agency.
Ayon sa DOLE, ang nasabing amendment ay magtataguyod ng mas makatarungan na pamamahagi ng service charges para sa mga empleyado at iniuutos ang bi-monthly na pamamahagi nito batay sa oras at araw ng trabaho.
Pinuri naman ng mga labor groups ang nasabing DOLE order kung saan bahagi na ngayon ng distribusyon ng service charge ang mga non-regular workers habang hinikayat naman ang lahat ng employers na nasa service sector na sumunod sa bagong regulasyon na magiging epektibo 15 araw matapos ang paglalathala sa mga pahayagan na may malawakang sirkulasyon. | ulat ni EJ Lazaro